Tuesday, June 14, 2011
Sunday, June 12, 2011
Tunay na Malaya
Ika-12 nanaman ng Hunyo. Araw ng Kalayaan ang bansag dito bilang paggunita sa makasaysayang pagkamit ng Pilipinas ng kanyang pagsasarili.
Problema, malaya nga ba talaga tayong maituturing ngayon?
Sa pagtaas at pagwagayway ng ating bandila, pagkanta ng pambansang awit, at araw-araw na pamumuhay rito sa ating bansa, ano nga ba ang nadarama mo? Wala. Wala lang. Sige, mag-flag raising ceremony lang tayo. Sige, ilalagay ko ang kanang kamay sa dibdib, tatayo ako ng tuwid, at kakanta. Ay, hindi ko nga pala alam ang lyrics. Sige, watermelon-watermelon na lang. Oo nga. Pilipino nga ako. Ang ibig sabihin lang naman, nasama ako sa mga minalas na maipanganak dito sa pabagsak na bansang ito eh. Makapag-abroad na nga.
Katunayan, nagiging Pilipino lang tayo kung nanalo si Manny Pacquiao sa bakbakan, kung kumanta at binigyan ng standing ovation si Charice, kung rumampa sa catwalk si Danica Flores. Sa mga pagkakataong may mga 'kababayan' tayong umaasenso sa ibang bansa, t'saka natin naiisip na ang galing pala ng mga Pinoy, na maipagmamalaki pala ang maging Pinoy.
Ganoon na lamang kasi kalaki ang ating pagtingin sa ibang bansa. Labis tayong nabubulag sa hiwaga ng mga imported. Gawa sa Amerika? Galing sa Europa? OK 'yan! Maganda 'yan! Gawa sa Marikina? Galing sa Visayas? Ay... 'Wag yan. Local lang 'yan.
Oo nga. Nabigyan na nga tayo ng kalayaan at pagsasarili, pero hanggang ngayon tayo mismo ang nagpapaalipin at umaasa sa ibang bansa. Kolonya pa rin tayo sa isang banda. Hindi makagalaw nang hindi tumitingin sa iba. Hindi makapagdesisyon para sa sarili. Kawawang Pilipinas.
Namulat sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Jacinto, at ang iba pang mga taong itinuturing nating ngayon na bayani sa dapat nilang gawin para sa ating bansa. At nang mapagtanto na ang tatahaking landas, agad-agad silang kumilos. Ipagpaliban muna ang pag-iisip para sa sarili. Bayan muna.
Eh, ngayon? Saan na nga ba napunta ang dakilang ginawa ng mga bayani? Heto tayo't naghihirap pa rin! At wala na nga ang mga Kastila, mga Amerikano, at mga Hapon na pilit sumakop sa atin, sunod pa rin tayo sa kanila at nagpapaalipin pa rin!
Nagawa na nilang magsakripisyo para sa kapakanan natin noon. Ang kabayarang maiaalay natin ngayon ay ang gamitin ang kaloob na pagsasarili tungo sa tunay na kalayaan. Tumayo sa sariling mga paa. Huwag umasa sa iba. Mahalin ang iyong bayan.
Hindi ako kailanman mawawalan ng pag-asa sa iyo, Pilipinas. Sa patuloy na pag-ikot ng mundo, alam kong darating din ang araw na makakamtan mong maging tunay na malaya.
Maligayang Araw ng Kalayaan!

Labels:
country,
Filipino,
freedom,
hero,
independence,
nationalism,
Pinoy,
pride,
Shorts

Saturday, June 11, 2011
Buhay Estudyante
Mensahe: Ang tula na ito ay naisulat noong Marso 8, 2011 sa isang klase namin sa Soc Sci I (oo, nakakatawang nagawa ko pang maisulat ito habang may klase, samantalang tungkol ito sa...)
Mga mata’y mabigat, ngunit huwag pumikit.
Huwag pansinin ang ulong masakit.
Umupo ng tuwid at tumingin sa harap.
Mamaya, pagkatapos, ka na magpakasarap.
Piliting makinig, piliting makaintindi.
Bagamat malabo ang lahat ng sinasabi.
Kumuha ng kwaderno at subukang magsulat.
O ‘di kaya’y kopyahin na lang ang lahat.
Humanap ng bagay na maaaring gawin
Upang magmukhang-OK sa kanyang paningin.
Kaunting tango, kunwari may naintindihan,
Kunwari pumapasok ang pinakikinggan.
Mahirap tiisin ang tiyan na kumakalam
Gutom ka na nga, wala pang kaalam-alam
Pitaka, tiyan, utak – walang laman,
‘Di na rin alam ang tatahaking daan.
Buhay estudyante, tiisin kahit mahirap talaga,
Dahil sa huli’y makikita kanyang tunay na halaga.
Mabuhay ka, Iskolar. Mabuhay ka.
O s’ya... Dali na’t humarap sa pisara.

Muling Pagkikita
Mensahe: Ang tula na ito ay isinulat noong Nobyembre 18 ng nakaraang taon at kasama sa sanctuary Vol. 7 (Angeli Dumatol's Journal)
Ilang buwan na ba ang nakalipas?
O nakaraan na ba ang isang taon?
Sa patuloy na pagtakbo ng mga araw,
Kailan ba tayo magkikita muli?
Mga tanong na walang humpay ang pag-ikot sa isipan,
Nawa’y mabigyan na ng mga kasagutan.
Marahil ay kaya pa nating magtiis.
Patawad. Hindi lamang ikaw ang nahihirapan.
Maging ako ay may sakit na nararamdaman,
Puno ng kalungkutan, buhat ng pag-iisa.
Kailangang maghintay. Kailangang unawain.
Darating din ang oras para sa atin.
Walang nangyayari na hindi nakatakda.
Itong mga nararanasan, mayroong kahulugan.
Pagtitiwala ang aking ibibigay,
Pagmamahal ang aking ilalaan.
Sapagkat sa ating muling pagkikita,
Ako lubusang umaasa,
At buong pusong naniniwala.

Subscribe to:
Posts (Atom)